Si Chris dela Pena ng Batangas-EAC laban kay Mark Gatdula ng Family Mart-Enderun.
PBA D-league Image
Batangas-EAC nakatakas sa Family Mart- Enderun
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naitakas ng Batangas-EAC ang pambihirang 91-90 tagumpay kontra sa Family Mart — Enderun upang mapanati-ling buhay ang tsansa sa 2019 PBA Developmental League kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Ibinuslo ni Chris Dela Peña ang game-winning lay-up sa huling 13.8 segundo bago bulabugin ang tangkang alley-oop pass ni Valandre Chauca para kay Joseph Kouakou sa final buzzer upang masiguro ang tagumpay.

Bunsod nito, nakaiwas sa eliminasyon ang Generals hawak ngayon ang 2-5 kartada sa Aspirants’ Group.

“Last time, I told them that we should learn how to win,” ani head coach Oliver Bunyi, sa kanyang mga bataan na tumirik kontra sa AMA Online Education, 119-122 sa double overtime noong nakaraang linggo.

“This game, the effort was there and I’m very proud of them na kahit paano ‘yung instructions, nasunod naman.”

Umiskor ng 12 puntos si Dela Peña para sa Batangas na napatid sa wakas ang apat na sunod na kabiguan nito.

Nag-ambag din ng 18 puntos, apat na rebounds at dalawang assists si Earvin Mendoza habang may 14 at 10 puntos naman sina Marwin Taywan at Allan Martin, ayon sa pagkakasunod.

Sa kabilang banda, hindi naman sumapat maging ang 30 puntos ni Chauca para sa Fami-ly Mart na wala pa ring panalo sa anim na salang.

Bunsod ng 0-6 kartada sa Aspirants Group, sibak na sa kontensyon ang Enderun kahit may tatlong laro pa sa elimination round ng makasaysayang 20-team D-League tourney.

Samantala, naka-iskor na sa wakas ng unang panalo ang SMDC-NU matapos ang madaling 107-75 tagumpay kontra sa CD14 Designs — Trinity sa ikalawang laro.

Giniyahan ni John Lloyd Clemente ang atake ng Bulldogs na rumatsada sa 29-11 simula at ‘di na muling lumi-ngon pa tungo sa mala-king 32-puntos na panalo.

Nagtala ng 18 puntos si Clemente habang may ambag ding 18 at 17 puntos ang magkakapatid na sina Dave at Shawn Ildefonso, ayon sa pagkakasunod para sa NU na umangat sa 1-5 baraha.

Nagtala naman ng 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod sina Kim Medina at Michael Cañete para sa Trinity na wala pa ring panalo hawak ang 0-6 rekord. 

PBA DEVELOPMENTAL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with