Lady Spikers, Tigresses maghihiwalay ng landas

MANILA, Philippines – Babasagin ng three-straight champion De La Salle at University of Santo Tomas ang four-way tie sa ikalawang puwesto sa magkahiwalay na laban sa Season 81 UAAP women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Haharapin ng Lady Spi­kers ang National Uni­­versity Lady Bulldogs ngayong alas-4 ng hapon matapos ang pagtatagpo ng Tigresses at Adamson Lady Falcons sa alas-2.

Kapwa nagmula ang Lady Spikers at Tigresses sa masaklap na pagkatalo na humantong sa four-way tie sa se­cond spot kasama ang UP Lady Maroons at FEU Lady Tamaraws sa parehong 5-3 kartada sa likuran ng solo leader na Ateneo La­dy Eagles (7-1).

Kaya  kapwa hangad ng Lady Spikers at Tigresses na bumalik agad sa win column.

Nalasap ng Lady Spi­­kers ang ikalawang pag­katalo sa mga kamay ng UP Lady Maroons, 16-25, 24-26-25-19, noong Linggo.

Tinalo rin ng UP ang La Salle, 25-21, 20-25, 21-25, 25-20, 12-15, sa first round ng elimination noong Marso 2.

Sinisisi ni coach Ramil de Jesus ang kanilang 17 service errors na siyang dahilan ng kanilang three-set loss sa Lady Maroons, lima nito ay mu­la kay Lourdes Clemente at tig-tatlo kina Aduke Ogunsanya, Marionne Alba at Jolina De La Cruz, habang tig-isa kina Tin Tiamzon, skipper Des Cheng at May Luna.

“Sabi ko sa kanila, hindi kalaban ninyo ang magpapanalo sa inyo, ka­yo ang magpapanalo sa sarili ninyo,” wika ni De Jesus.

Makakaharap ng La­dy Spikers ang Lady Bulldogs na nagmula sa masakit na 16-25, 18-25, 26-24, 16-25 kabiguan sa UE Lady Warriors noong Marso 20.

 

Show comments