^

PM Sports

Blackwater malaki ang panghihinayang

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Blackwater malaki ang panghihinayang

MANILA, Philippines — Walang magawa si head coach Bong Ramos kungdi manghinayang sa malaking tulong sana ng isang kalibre ni Ray Parks para sa Blackwater sa 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup.

Ito ay matapos ang kalimot-limot na kam-panya nila sa naturang conference kung saan nagkasya lamang ang Elite sa 2-9 baraha.

“Sa tingin ko mag-iiba ng kaunti. Siguro mag-iiba pa rin kasi siyempre medyo maa-upbeat ‘yung ibang player na may dagdag kami na [maga-ling tulad niya],” ani Ramos matapos ang 87-97 kabiguan nila kontra sa Magnolia kamakalawa ng gabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Bunsod ng naturang pagkatalo, nasibak na sa kontensyon ang Elite ngayong All Filipino conference at inaaba-ngan na ang inaasahang pagdating ni Parks sa ikalawang conference na Commissioner’s Cup.

Magugunitang napili ng Blackwater bilang second overall pick ang anak ng 7-time PBA Best Import na si Bobby Parks noong 2018 PBA Annual Rookie Draft.

Subalit dahil sa naunang commitment ng two-time ASEAN Basketball League (ABL) Most Valuable Player sa San Miguel-Alab Pilipinas ay hindi muna ito nakasama sa kampanya ng Blackwater sa naturang Philippine Cup.

Kasalukuyan pang nasa kainitan ng kampan-ya sina Parks at Alab Pilipinas sa ABL lalo’t ha-ngarin nila ang ikalawang sunod na titulo.

Inaasahang sa Mayo magtatapos ang natu-rang ABL season, sakto para sa susunod na conference ng PBA na Commissioner’s Cup.

Sa ngayon naman, uunahin muna ni Ramos ang paghahanap ng malaking import upang maging sentro nila sa naturang mid-season conference kung saan papa-yagan ang hanggang 6’10 na reinforcement.

Sa kabila naman ng kawalan ni Parks gayundin ang paglisan ng tatlong key players ng Blackwater na sina John Paul Erram, Paul Zamar at John Nard Pinto, inaako naman lahat ni Ramos ang kasalanan at sisi sa pagbagsak ng Elite nga-yong conference.

vuukle comment

BLACKWATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with