Dagdag venue ang BEST Center

MANILA, Philippines – May bagong dagdag na venue ang BEST Center para sa kanilang basketball at volleyball clinics ngayong summer.

Bukod sa Ateneo college covered courts, Starmall-Alabang at Our lady of Guadalupe Minor Seminary, bubuksan ang bagong center sa International Goodwill 3 Subdivision sa San Antonio.

Puwede nang mag-enroll para sa Preparatory Level and Level 1 ng basketball sa Goodwill 3 clinics sa multi-purpose hall na gagawin ng alas-8:30 hanggang 11:30 ng umaga simula sa April 1.

Ang Monday and Thursday basketball clinics mula sa April 8-May 2 ay nakatakda sa  Ateneo college co­vered courts para sa Preparatory Level, Level 1, Level 2 (9-11 years old) at Level 5 sa alas-8 hanggang alas- 11:30 a.m.

Show comments