Cignal HD Spikers umangat

MANILA, Philippines — Mabilis na nakabalik sa porma ang Cignal para maikonekta ang 23-25, 25-11, 25-16, 25-23 panalo laban sa Sta. Lucia Realty upang masungkit ang No. 3 spot sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa Bacoor Strike Gym sa Cavite.

 

Patuloy ang magandang laro ni Arizona State University stalwart Erica Wilson nang magsaboy ito ng 23 puntos buhat sa 18 attacks, tatlong blocks at apat na aces para umangat ang HD Spikers sa 2-1 marka.

Naramdaman din si import Anastasia Artemeva ng Azerbaijan na kumana ng 17 markers gayundin si national mainstay Mylene Paat na umiskor ng 13 hits para sa Cignal.

“I devised a strategy in the second and third sets so I decided to put both Ana (Artemeva) and Erica at the open spiker spots while Mylene takes care of the opposite,” pahayag ni HD Spi-kers coach Edgar Barroga.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Cignal matapos yumuko sa F2 Logistics sa kanilang unang pagsalang.

“Fortunately for us, it worked. Ana and Erica gave us a lot of scoring punches while Mylene was very reliable at the defensive end,” dagdag ni Barroga.

Binigyan lamang ni Barroga ng limitadong minuto si team captain Rachel Anne Daquis na inihahanda para sa mga krusyal na laro ng HD Spikers.

“This is a long tourney and we want Rachel to be fresh for the tough grind ahead. Even though we’re down at some moments, we stayed toge-ther and continued fighting as a team,” ayon pa kay Barroga.

Nalaglag ang Lady Realtors sa ikatlong dikit na talo matapos ma-upset ang Generika-Ayala noong opening day.

Show comments