Tumira si Russell Westbrook ng Oklahoma sa harap ni Jake Layman ng Portland.
Westbrook nagposte ng 10-sunod na triple double
(Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

OKLAHOMA CITY — Naglista si Russell Westbrook ng NBA record nang magposte ika-10 sunod niyang triple-double, habang nagpasabog si Paul George ng 47 points para pangunahan ang Thunder sa 120-111 paggupo sa bisitang Portland Trail Blazers.

Binasag ni Westbrook ang kanyang pagkakatabla kay NBA great Wilt Chamberlain na nagtala ng siyam na sunod na triple-doubles noong 1968, nang tumapos na may 21 points, 14 rebounds at 11 assists.

Nakamit niya ang NBA record sa isang assist kay George para sa three-pointer ng Oklahoma City star forward sa huling 3:52 minuto ng fourth quarter.

Ito ang pang-23 triple-double ni Westbrook ngayong season at ika-127 sa kanyang career.

Nagdagdag naman si George ng 12 rebounds at 10 assists para sa ikatlong triple-double sa kanyang career habang tumipa si rookie Deonte Burton ng career-high 18 points at si Raymond Felton ay nag-ambag ng season-high 15 markers para sa Thunder.

Pinamunuan ni Damian Lillard ang Blazers sa kanyang 31 points kasunod ang 17 markers ni Jake Layman.

Sa Houston, kumamada si James Har-den ng 31 points para sa kanyang ika-30 sunod na pagpoposte ng 30-point game bagama’t may shoulder injury para tulungan ang Rockets sa 120-104 pananaig laban sa Dallas Mavericks.

Hawak ni Chamberlain ang pinakamahabang 30-point games streak sa NBA history.

Nagdagdag si Chris Paul ng 17 points at 11 assists, habang may 19 markers si Gerald Green tampok ang limang 3-pointers para sa ikaapat na panalo ng Houston sa huli nilang limang laban.

Binanderahan ni rookie Luka Doncic ang Mavericks sa kanyang 21 points, 10 rebounds at 8 assists.

Sa Chicago, humakot si Giannis Anteto-kounmpo ng 29 points at 17 rebounds, samantalang tumipa si Eric Bledsoe ng 19 points para ihatid ang Milwaukee Bucks sa 112-99 pagwawagi sa Bulls.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with