Bataan, Mandaluyong magpapalakas
(Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang koponan ang magpapalakas ng kanilang tsansa habang hangad naman ng kanilang mga kalaban na mapaganda ang estado nila papasok sa playoffs ng 2019 MPBL Datu Cup.

Lalabanan ng Bataan ang Mandaluyong nga-yong alas-7 ng gabi kasunod ang salpukan ng Valenzuela at Bulacan sa alas-9 sa Valenzuela Astrodome.

Target ng Risers ang kanilang ika-20 panalo sa 22 laban para patatagin ang paghawak sa No. 1 spot sa Northern Division.

Kailangang manalo ang Bataan kontra sa Mandaluyong para lalo pang makalayo sa humahabol na Manila at Makati.

Nasa ikalawang puwesto ang Manila sa kanilang bitbit na 19-4 record kasunod ang pumapangatlong Makati na nagdadala ng 18-4 slate at nakasakay sa 12-game winning run.

Kung patuloy na mahahawakan ang No.1 spot sa pagtatapos ng elimination round ay makakatiyak ang tropa ni coach Jojo Lastimosa ng home court advantage sa playoffs.

Bitbit ang 8-13 baraha, walang ibang nasa isip ang El Tigre ng Mandaluyong kungdi ang manalo para makabalik sa labanan sa top eight berth.

Inaasahan ding magiging mabigat ang bakbakan ng Valenzuela at Bulacan, wala nang tsansa para sa top four berth at hindi makakamit ang home court advantage bagama’t nakakuha ng playoff spot.

Nagtataglay ang Kuyas ng 13-9 marka.

Kailangan naman ng Classic na mawalis ang kanilang mga huling laro para umabante sa quarterfinal round.

MPBL DATU CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with