Retro sa Legends Game ng PBA All Stars
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

Retro jerseys ang isusuot ng mga magbabanggaan sa “Return of the Rivals” Legends Games sa Feb. 17 sa Smart Araneta Coliseum.

Retro get-up din ang ipinahanda ni Robert Jaworski na siyang nakatakdang gumiya sa Ginebra team kontra Purefoods ni Mon Fernandez. Ang palagiang getup noon ni Jaworski bilang Ginebra playing coach ay jacket at jogging pants.

“Pero nagpatahi rin siya ng playing jersey, so baka gulatin ang mga manonood, baka biglang lumaro kahit ilang minuto,” saad ng isang legend na lalaro rin sa event.

Isa sa mga side events ay ang Obstacle Challenge kung saan ang mga competitors ay magkakarera sa pag-execute ng dribbling, passing at shooting na kadalasan na pinaglalabanan ng mga point guards sa PBA All-Star Extravaganza.

Last season, mga big men ang naglaban-laban sa event na ito sa Batangas City.

Ganon din ang nakalatag sa Legends Games. Magpapasiklaban ang mga higanteng sina Bonel Balingit, Marlou Aquino, EJ Feihl at Ervin Sotto.

“Lamang siguro na makatapos si EJ Feihl, dahil may three-points yan,” ani Alvin Patrimonio.

Patok ang special event na ito. Ang problema nga lamang ay hindi mapapanood sa free TV at mahirap na rin maghagilap ng venue tickets dahil nakopo na daw ng main sponsor.

* * *

Tumabla na si Alex Cabagnot kay Philip Cezar sa No. 8 sa all-time assists ladder (3,130). Samantala, nagkakarera naman sina Arwind Santos at Chris Ross sa pag-usad sa loob ng Top 10 sa kategorya ng blocks at steals.

Pero walang nakikita si PBA stats chief Fidel Mangonon na posibleng umabot sa career 1,853 blocks ni Mon Fernandez. “Sobrang laki nun,” ani Mangonon.

“Siguro sila lang talaga kasi ni Abet Guidaben ang dominanteng malaking player noong mga unang taon ng PBA. Pero siyempre hindi pwedeng tawaran ang galing ni Fernandez na talagang magaling pa rin hanggang sa nagsulputan sina Jerry Codiñera at Benjie Paras,” ani Kandong McDo top boss Ricardo Pabaya sa kanyang alaala sa kapanahunan ni El Presidente.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with