Ayaw magkumpiyansa ng Lady Altas
Chris Co (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang balak na ma-ging kampante ang University of Perpetual Help System Dalta upang maabot ang inaasam nitong pagbabalik sa finals ng NCAA Season 94 women’s volleyball tournament.

Naipuwersa ng Perpetual Help ang do-or-die matapos gulantangin ang top seed College of Saint Benilde sa pamamagitan ng 25-23, 25-21, 20-25, 25-23 desisyon sa semifinals noong Martes sa The Arena sa San Juan City.

Agad na nagbalik-ensayo ang Lady Altas upang muling bumuo ng solidong plano kung paano mapapabagsak ang Lady Blazers sa rubber match na lalaruin sa Martes sa parehong venue.

Kabisado ni Perpetual Help Macky Cariño ang laro ng Benilde dahil nahawakan na nito ang karamihan sa mga key players ng Lady Blazers.

Kaya naging madali ang binalangkas na game plan ni Cariño at tuwang-tuwa ito na naisakatuparan ng Lady Altas ang lahat ayon sa plano.

Nais ni Cariño na dalhin ang Perpetual Help sa finals at kung papalarin, sa kampeonato.

“Masaya ako na mag-serve sa Perpetual. Gagawa ako ng history sa babae naman kasi sobrang tagal na rin na wala sa finals ang team. Malay natin pagda-ting sa finals kami mag-champion, wala namang imposible,” wika ni Cariño.

Nagawa na ito ni Carino nang tulungan nito ang Benilde na makopo ang kauna-unahang korona sa liga noong Season 91 bago lumipat sa kampo ng Perpetual Help.

“Sabi ko sa mga players na aralin natin, focus tayo sa kalaban natin. Kailangan pagtrabahuhan natin ito,” dagdag ni Cariño.

Ngunit hindi magi-ging madali ang daang tatahakin ng Perpetual Help dahil siguradong may matinding pasabog na inihahanda ang Benilde na minamanduhan ng beterano ring mentor na si Jerry Yee.

Kaya naman asahan ang mas matinding bakbakan sa oras na muling magkrus ang landas ng dalawang tropa na mag-aagawang makuha ang huling tiket sa finals.

Una nang nahablot ng nagdedepensang Arellano University ang unang sil-ya sa finals nang gapiin nito ang San Beda University.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with