Manny, Floyd nagkita uli

MANILA, Philippines — Muling nagkrus ang landas nina eight-division world champion Manny Pacquiao at undefeated Ame-rican fighter Floyd Mayweather Jr. kahapon sa Amerika.

Sa pagkakataong ito, sa isang NBA game sa Staples Center kung saan magkalaban ang parehong koponang sinusuportahan ng dalawang mahusay na boksingero.

Naglaro ang Golden State Warriors ni Pacquiao at Los Angeles Lakers ni Mayweather.

Sa video post ni Pacquiao sa kaniyang Twitter account, nagkita ang dalawa sa courtside.

Naglalakad si Pacquiao nang maispatan nito si Mayweather sa courtside.

Naunang bumati si Pacquiao ngunit hindi malinaw kung ano ang sinabi nito kay Mayweather.

Nakangiting tumugon ang Amerikanong boksi-ngero na tinapik pa sa dibdib si Pacquiao.

Agad ding umalis si Pacquiao kasama ang asa-wang si Jinkee at ang kaniyang buong team.

Hindi malinaw kung sinadya ang pagtatagpo nina Pacquiao at Mayweather.

Ngunit maugong ang balitang gumugulong na ang negosasyon para sa posibilidad na Pacquiao-Mayweather rematch na posibleng maganap sa Cinco de Mayo na nauna nang target na petsa ni Pacquiao o sa Hulyo ng taong ito.

Ito ang ikatlong pagkakataon na nagkita sina Pacquiao at Mayweather.

Nauna nang nagbatian ang dalawa sa NBA Filipino Heritage Night noong Enero 9 nang magharap ang Los Angeles Clippers at Charlotte Hornets sa parehong venue.

Nagtagpo rin sina Pacquiao at Mayweather sa isang club sa Tokyo, Japan noong nakaraang taon.

Kasalukuyang nagdiriwang ang Team Pacquiao sa pagkakapanalo ng Pambansang Kamao kay American pug Adrien Broner via unanimous decision noong Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Nag-aabang din ang sambayanan sa tunay na estado ng kaniyang eye injury at sa resulta ng im-bestigasyon sa panloloob sa bahay ni Pacquiao sa Los Angeles.

Show comments