Batang Pier lusot sa Road Warriors
Russell Cadayona (Pang-masa) - January 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nang malagay sa panganib ang NorthPort sa huling dalawang minuto ay kaagad sumaklolo sina Stanley Pringle, Moala Tautuaa at Sean Anthony.

Bumida ang tatlo sa krusyal na ba-hagi ng fourth quarter para tulungan ang Batang Pier na pabagsakin ang NLEX Road Warriors, 95-90 para sa kanilang ikalawang panalo sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng NorthPort matapos talunin ang Blackwater, 117-91 sa una nilang laro kung saan humataw si No. 3 overall pick Robert Bolick ng 26 points.

“Everybody stepped up and played together as a team,” wika ni Anthony, nagposte ng 22 points, 9 rebounds, 7 steals at 5 assists para sa 2-0 record ng Batang Pier habang kumolekta ang 6-foot-7 na si Tautuaa ng 18 markers at 11 boards.

Nalasap naman ng Road Warriors, nanggaling sa 87-96 pagkatalo sa Rain or Shine Elasto Painters, ang ikalawang dikit nilang kamalasan.

Walang koponang nakapagtayo ng double-digit lead sa kabuuan ng laro bago makuha ng NorthPort ang 79-73 bentahe sa pagbubukas ng final canto.

Ang basket naman ni Larry Fonacier sa huling 1:45 minuto ng laro ang nagdikit muli sa NLEX sa 89-92 agwat.

Subalit umiskor si Tautuaa at tumipa naman si Anthony ng isang free throw para muling ilayo ang Batang Pier sa 95-89 sa huling 15.5 segundo at selyuhan ang kanilang panalo kontra sa Road Warriors.

NorthPort 95 - Anthony 22, Tautuaa 18, Bolick 14, Pringle 11, Taha 9, Elorde 8, Araña 4, Guinto 3, Flores 2, Lanete 2, Grey 2, Gabayni 0, Sollano 0.

NLEX 90 - Erram 19, Quiñahan 18, Galanza 11, Paniamogan 10, Magat 8, Tallo 7, Fonacier 5, Baguio 4, Ighalo 2, Alas 2, Soyud 2, Porter 2, Taulava 0, Rios 0.

Quarterscores: 25-22; 48-46; 71-70; 95-90.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with