^

PM Sports

Chua PBAPC Exec. of the Year

Pang-masa
Chua PBAPC Exec. of the Year
Alfrancis Chua

MANILA, Philippines — Dinomina ng San Miguel Corporation ang nakaraang 43rd season ng PBA kung saan tatlong koponan nila ang nagkampeon sa tatlong komperensya para sa sweep.

Napanatiling suot ng San Miguel ang Philippine Cup title habang inangkin ng Barangay Ginebra ang Commissioner’s Cup championship at pinagharian ng Magnolia Pambansang Manok ang Governors’ Cup para ipakita ang dominasyon ng organisasyon.

Ito ang unang pagkaka-taon sa PBA history na winalis ng mga SMC teams ang tatlong torneo sa isang season mula sa epektibong pamamahala ni sports director Alfrancis Chua.

Dahil sa kanyang impresibong trabaho para sa tatlong popular squads ay ibibigay ng PBA Press Corps kay Chua ang Danny Floro Executive Award sa Lunes sa Annual Awards Night sa pagdiriwang nila ng 25th anniversary na inihahandog ng Cignal TV sa Novotel Manila Araneta Center.

Sa pagbibigay ng naturang tropeo sa ngalan ng yumaong Crispa Redmanizers team owner ay mahahanay si Chua kina Manny V. Pangilinan, Ramon S. Ang, Wilfred S. Uytengsu, Danding Cojuangco, Raymund Yu at Terry Que, Ricky Vargas, Renauld ‘Sonny’ Barrios, Rene Pardo, Buddy Encarnado, Elmer Yanga, Simon Mossesgeld, George Chua at namayapang si Jun Bernardino at Henry Cojuangco bilang mga personalidad na kinilala ng mga print at online writers na nagkokober ng PBA beat.

Hindi pa napapangalanan ang Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year na pinaglalabanan nina Leo Austria, Tim Cone at Chito Victolero.

Sa pagdiriwang ng silver anniversary ng Awards Night na unang idinaos noong 1993 sa Dona Nenas, hinirang ng PBAPC bilang unang Lifetime Achievement Awardee si Alaska team owner Wilfred S. Uytengsu.

vuukle comment

ALFRANCIS CHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with