Cousins makakalaro na sa Golden State
(Pang-masa) - January 10, 2019 - 12:00am

OAKLAND, California - Matapos ang mala-king hakbang sa nakaraang free agency, nakatakdang iparada ng Golden State Warriors si All-Star center DeMarcus Cousins sa Enero 18.

Sumama na si Cousins, nagkaroon ng season-ending Achilles tendon injury noong nakaraang taon at pinapirma ng Warriors sa $5.3 million contract sa off-season, sa team practice ng Golden State.

Itatampok ng Warriors ang 28-anyos na si Cou-sins sa kanilang pagsagupa sa Los Angeles Clippers sa Enero 18 sa Staples Center.

Bagama’t hindi pa 100 percent ay inaasahang palalakasin ni Cousins ang kampanya ng Golden State para muling mapasakamay ang top seeding sa Western Conference.

Pumapangalawa ang Warriors, binabanderahan nina Kevin Durant, Steph Curry, Klay Thompson at Draymond Green, sa nangungunang Denver Nuggets sa Western Conference.

Umiskor ang Golden State ng 125-95 panalo laban sa New York Knicks.

Sa nasabing panalo ay pumukol si Thompson ng 43 points kasama ang pitong three-point shots para sa Warriors habang may 24 points si Durant at naglista ng 14 markers at season-best 14 assists si Curry.

DEMARCUS COUSINS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with