^

PM Sports

Denver inilaglag ang Dallas

Pang-masa
 Nikola Jokic ng Denver laban kina Dorian Finney-Smith at Dwight Powell ng Dallas.

DENVER — Huma-kot si big man Nikola Jokic ng 32 points at 16 rebounds habang nagtala si Jamal Murray ng career-high na 15 assists para pamunuan ang Nuggets sa 126-118 pagpapatumba sa Dallas Mavericks.

Pinalawig ng Denver ang kanilang home winning streak sa pito.

Sa bitbit na 21-9 record ay pinantayan ng Nuggets ang itinala ng 1976-77 squad para sa kanilang best start na 30 games sa franchise history.

Nanatili rin sila sa iba-baw ng Western Conference sa percentage points laban sa Golden State Warriors.

Nagdagdag si Murray ng 22 points kasama ang 10 sa fourth quarter.

Nagposte naman si rookie Luka Doncic ng 23 points at career-best 12 assists sa panig ng Mavericks, nakahugot kay Harrison Barnes ng 30 markers.

Nagsalpak ang Dallas ng 15 three-pointers laban sa NBA top long-range defense.

Sa Atlanta, humugot si Jeremy Lin ng 12 sa kanyang 16 points sa final period at nalampasan ng Hawks ang iniskor na 29 markers ni Bradley Beal para talunin ang Washington Wizards, 118-110.

Pitong players ang umiskor ng double fi-gures para tulungan ang last-place Hawks (7-23) na tapusin ang kanilang three-game losing skid. Nag-ambag si John Collins ng 20 points at 13 rebounds, habang may 19 markers si rookie Trae Young.

Nagsalpak si Lin ng isang jumper kasunod ang kanyang layup para sa 103-93 bentahe ng Atlanta laban sa Washington.

Sa New York, naglista si guard D’Angelo Russell ng 22 points at career high-tying 13 assists para akayin ang Brooklyn Nets  sa 115-110 panalo laban sa Los Angeles Lakers, dumiretso ang Nets sa kanilang ikaanim na sunod na ratsada.

Nag-ambag si Joe Harris ng 19 points kasunod ang 18 markers ni Spencer Dinwiddie para sa Brooklyn, huling nagtala ng six-game winning run noong March 25 hanggang April 3, 2015.

Nagdagdag si Rondae Hollis-Jefferson ng 17 points habang may 13 markers si Jared Dudley.

Bumangon maman si LeBron James mula sa kanyang lowest-scoring game sa season sa tinapos na 36 points, 13 rebounds at 8 assists sa panig ng Los Angeles.

Naglista si Kyle Kuzma ng 22 points at 11 rebounds, samantalang may 23 markers si Lonzo Ball.

vuukle comment

DENVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with