_pang-masa
^

Dalawang kabayo ni Javier nagpa-carry-over ng Pick 6

Vince Nuguid (Pang-masa) - December 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Na carry-over ang Pick-6 noong Sabado dahil sa panalo ng dalawang kabayo ni Leonardo Javier na Skyscraper na nirendahan ni jockey RA Base at La Flute De Pan na ginabayan naman ni jockey Dan Camañero.

Halos 4,500 Live Tickets na lang sa pagsisimula ng Pick-6 ang natira nang manalo ang dehadong Skyscraper sa “2yo Maiden Race” sa Race 2.

Bandera sa nasabing karera ang liyamadong kabayo na Money For Shelltex pero hinabol agad ito ng dehadong Inggit Ka Lang, habang scratch naman sa karerang ito ang liyamado sanang kalahok na kabayong Oktubre Katorse.

Nakaabang naman sa ikatlong puwesto ang kakampi ng banderang kabayo na Northern Fame na sinundan ng mga kabayong Batang Madrid, Malatan Og Falls, habang nasa pang-anim na puwesto ang Skyscraper.

Bago sumapit sa hu­ling kurbada ay kinuha na ng tambalang Skyscraper at jockey RA Base ang unahan at tuluyan nang nanalo sa nasabing karera ng may limang katawan agwat laban sa nasegundong Malatan Og Falls.

Dehadung-dehado rin ang kabayong La Flute De Pan na nanalo sa Race 4 kung saan iisang koneksyon at nagsilbing kabitan lang ito sa nanalong Skyscraper sa Race 2 na nagbigay ng tamang P1,129.00 sa Extra Double Event.

Sa nasabing karera ay nag-abang lang ng tamang tiyempo ang tambalang La Flute De Pan at jockey Dan Camañero at kumuha lang muna ng magandang posis­yon bago nagparemate pagsapit ng rektahan at tuluyang kinuha ang panalo laban sa kaba­yong Dinalupihan.

JAVIER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with