Biado, De Luna pasok sa knockout stage
Chris Co (Pang-masa) - December 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang panana­lasa nina Carlo Biado at Jeffrey De Luna upang ma­kahirit ng tiket sa knockout stage ng 2018 World 9-Ball Championship na ginaganap sa Al-Attiya Sports Arena sa Al-Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Pinatumba ni Biado si Sergey Lutsker ng Russia sa iskor na 9-5 sa Group 9, habang nanaig naman si De Luna kay Rados­law Babica ng Poland sa Group 2 sa bisa ng 9-6 de­sisyon.

Buhay na buhay pa ang pag-asa nina Roland Garcia, Johann Gonzales Chua at Marlon Manalo na nagrehistro ng magkakaibang panalo sa kani-kanilang losers’ bracket.

Iginupo ni Garcia si Ah­med Nizam Uddin ng Bangladesh (9-5) sa Group 3, habang nanaig si Chua kay Wojciech Szewczyk ng Poland (9-2) sa Group 4 at namaya­ni si Manalo kay Ali Abdulhadi ng Qatar (9-2) sa Group 10.

Nahulog naman sa lo­ser’ column si Jeffrey Ig­nacio na yumuko kay Mateusz Sniegocki ng Poland (5-9) sa Group 6.

Makakalaban ni Igna­cio sa do-or-die game si Satoshi Kawabata ng Ja­pan para sa tsansang ma­kapasok sa main draw.

Hihirit din ng puwes­to sa knockout stage sina Garcia laban kay Billy Thorpe ng Amerika, Chua laban kay Jeong Young Hwa ng South Ko­rea at Manalo laban kay Casper Matikainen ng Finland.

Tuluyan nang na­maalam sa kontensiyon si­na Israel Rota at Rober­to Brillantes na kapwa lu­masap ng ikalawang su­nod na kabiguan.

Natalo si Rota kay Chang Yu Lung ng Chinese-Taipei (5-9), habang yumuko si Brillantes kay Aung Moe Thu ng Myanmar (3-9).

BIADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with