Biado magarbo ang pagsisimula
Chris Co (Pang-masa) - December 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mainit na sinimulan ni Carlo Biado ang pag­de­depensa sa titulo nang ilampaso si George Lla­nos ng Argentina, 9-3, sa Group 9 ng 2018 World 9-Ball Championship sa Al-Attiya Sports Arena sa Al-Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Isang panalo na lamang ang kailangan ni Bia­do upang makahirit ng tiket sa knockout stage kung saan makaka­sagupa niya si Sergey Lutsker ng Russia na nagtala ng 9-8 desisyon kay Ngu­yen Anh Tuan ng Vietnam.

Nagtala rin ng pam­bu­e­namanong panalo si­na Pinoy bets Jeffrey De Luna at Jeffrey Ignacio sa kani-kanilang grupo.

Naitala ni De Luna ang 9-7 panalo laban kay Sa­mi Koylu ng Turkey sa Group 2, habang nama­ya­ni naman si Ignacio kay Abdullah Alenzi ng Ku­wait sa Group 6.

Kagaya ni Biado, kailangan lang nina De Luna at Ignacio na maipanalo ang kanilang susunod na laro para makapasok sa main draw.

Titipanin ni De Luna si Radoslaw Babica ng Po­land na nanaig kay Ame­rican Hunter Lombardo, 9-5, habang lalarga si Ignacio kontra kay Mateusz Sniegocki ng Poland na nagwagi kay Vincent Halliday, 9-7.

Nabigo sina Ro­land Gar­cia, Johann Gon­zales Chua, Israel Ro­ta at Marlon Manalo at Ro­berto Brillantes.

 

BIADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with