Arellano, San Beda ayaw madungisan
Chris Co (Pang-masa) - December 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kapwa itataya ng reigning champion Arellano University at San Beda University ang kanilang malinis na rekord ngayong araw sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Sasagupain ng San Beda ang Jose Rizal University sa alas-12 habang makakatipan ng Arellano ang Lyceum of the Philippines sa alas-2.

Sosyo ang Lady Chiefs at Lady Red Spikers sa No. 1 bitbit ang parehong 4-0 baraha.

Nasikwat ng Arellano ang ikaapat na panalo matapos patumbahin ang San Sebastian College-Recoletos, 25-15, 25-16, 25-12.

Naasahan ng Lady Chiefs sa naturang laro si Season 93 Rookie of the Year Necole Ebuen na nagtala ng 15 puntos gayundin sina Regine Arocha at Carla Donato na nagbigay din ng solidong kontribusyon.

Umaasa naman ang Lyceum na makakabangon ito sa dalawang sunod na kabiguan sa kamay ng San Beda at University of Perpetual Help System Dalta.

Nasa ikapitong puwesto ang Lady Pirates kasama ang Colegio de San Juan de Letran tangan ang magkatulad na 1-3 baraha.

Mataas naman ang moral ng San Beda na humatak ng 23-25, 25-15, 25-23, 25-17 panalo kontra  sa Emilio Aguinaldo College sa kanilang huling laro.

Bumabandera sa ata-ke ng Lady Red Spikers sina Maria Nieza Viray at Cesca Racraquin na dalawang nangungunang scorers ng tropa.

ARELLANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with