^

PM Sports

My Dad Bogart nanalong dehado

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanalo ang dehadong kabayo na My Dad Bogart na ginabayan ni jockey BZ Llarenas sa 2YO Maiden Race” noong Biyernes sa pista ng Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Bandera sa nasabing karera ang kabayong I Object na sinakyan ni jockey OP Cortez kasunod ang magkakamping kabayo na Inggit ka lang at Boss Emong habang nag-aabang naman sa pang-apat na puwesto ang My Dad Bogart.

Pagsapit sa huling kurbada ay kinuha na ng My Dad Bogart at jockey BZ Llarenas ang unahan kasunod ang nagpaparemateng Boss Emong na nirendahan naman ni jockey Dan Camañero. Sa last 100 meters ng karera ay nagpanabayan na ng bilis at lakas ang dalawang nasabing kabayo pero medyo nagkakaproblema si Camañero dahil tumi-tingala ang kanyang sakay na nagresulta para masegundo lang ito.

Halagang P53.00 ang naging dibidendo ng nanalong kumbinasyon na 7-4 sa Forecast habang P39.40 naman ang tinamaan ng mga nakakuha sa nanalong kumbinasyon na 7-4-1 sa Trifecta.

Nagbigay naman ng tamang P94.00 sa Daily Double kabit sa nanalong kabayo na Holy Bullea sa unang karera habang P86.50 ang ibinigay sa Daily Double kabit naman sa nanalong Sta Monica One sa Race 3.

Nagawa naman kontrolin ni jockey AB Serios ang kabayong Beastmode para mapigilan ang pagbuka nito sa huling kurbada na nagresulta sa pagkapanalo nito sa Race 4. (VINCE ‘Palos’ NUGUID)

vuukle comment

DEHADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with