^

PM Sports

Creamline hangad ang semifinals berth

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng Creamline na kubrahin ang ikalawang silya sa semifinals sa paglarga laban sa Iri­ga-Navy sa pagpapa­tuloy ng Premier Vol­ley­ball League Season 2 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Titipanin ng Cool Sma­shers ang Lady Ora­­gons ngayong alas-7 ng gabi, habang magpa­pang-abot naman sa alas-4 ng hapon ang Po­ca­ri-Air Force at BanKo Perlas.

Umangat sa solong ika­lawang puwesto ang Creamline tangan ang 8-2 marka matapos ga­piin ang Pocari-Air Force, 23-25, 25-21, 25-20, 22-25, 15-9, noong Linggo sa larong gina­nap sa Legazpi City.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Cool Smashers para sa­mahan sa semis ang Ate­neo De Manila University na nauna nang nagmartsa bunsod ng 10-3 kartada.

Kaya inaasahang ila­labas ng Creamline ang buong puwersa sa pa­ngu­nguna nina Alyssa Val­dez na isa sa nangu­ngunang kandidato sa MVP race at ace setter Jia Morado.

Magpapasiklab din sina opposite hitter Michele Gumabao at wing spiker Jema Galanza at mamanduhan ni­na Risa Sato at Maria Paulina So­riano ang net defense ng tropa.

Sibak na ang Lady Oragons ngunit nais ni­lang magkaroon ng en­grandeng exit pa­ra mapaganda ang ka­nilang 3-9 rekord.

Papalo para sa Iriga-Navy sina veterans Joanne Bunag at Nene Bautista kasama si team captain Grace Bombita.

Sa kabilang banda, na­nganganib namang ma­si­bak ang Pocari-Air Force matapos mahulog sa 5-6 baraha kaya’t must-win ito laban sa BanKo Perlas.

Namayani ang Lady Warriors sa Perlas Spi­kers sa kanilang unang pagtatagpo sa first round ngunit ibang usapan na ang second round lalo pa’t nagnanais din ang BanKo na makalapit sa Final Four slot.

Sasandalan ng La­dy Warriors si skipper Myla Pablo – ang league-leading scorer na may 18.5 points kada laro, habang susuporta si­na Del Palomata, Jeanette Panaga, May Ann Pantino at Iari Yongco para maisalba ang ka­nilang tropa.

Kukuha naman ng lakas ang Perlas Spikers kina Dzi Gervacio at Nicole Tiamzon gayundin kina Kat Bersola, Joy Da­coron at playmaker Jem Ferrer.

vuukle comment

PREMIER VOL­LEY­BALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with