Tenorio, Santos natuwa
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - November 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magkahalong gulat at tuwa ang naramdaman ng mga beteranong sina Arwind Santos at LA Tenorio nang mapasama sa pinakabagong 20-man Gilas Pilipinas training pool ni head coach Yeng Guiao na magsisimulang magsanay nitong linggo.

Ayon sa kanila, sorpresa ang pagbabalik nila sa national team subalit ipinangakong madadala nila ang karanasan at pamumuno na inaasahan sa kanila ni Guiao kahit pa walang kasiguraduhan kung mapapasama sa final line-up para sa papalapit na 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa dulo nitong buwan.

“Medyo nagulat ako bakit ako napa-sama. Pero I’m very thankful, rest assured, I will do my best,” anang Ginebra point guard na umamin ding hindi niya inakalang makakapagsuot ulit siya ng Gilas uniform subalit nasasabik siya lalo’t ito ang unang beses na maglalaro siya sa ilalim ni Guiao.

“Thank you ako kay Ninong, kay Coach Yeng. Sana hindi siya magkamali sa pagpili sa akin. Para sa akin, panibagong challenge sa akin ito dahil matagal rin ako di nakakapaglaro sa Philippine team,” ani Santos sa kanyang ninong sa kasal na si Guiao.

FIBA YENG GUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with