^

PM Sports

Nuggets lusot sa Warriors

Pang-masa
Nuggets lusot sa Warriors
Di inalintana ni Gary Harris ng Denver ang depensa ni Damian Jones ng Golden State sa kanyang tangkang layup.

DENVER — Umiskor si Gary Harris ng 28 points habang sinupalpal ni Juancho Hernangomez ang layup ni Damian Jones bago ang pagtunog ng final buzzer para pamunuan ang Nuggets sa 100-98 paglusot laban sa Golden State Warriors.

Nakabangon ang Warriors mula sa 13-point deficit sa fourth quarter at nagkaroon ng tsansang maitabla ang iskor nang sumalaksak si Stephen Curry at ipinasa ang bola kay Jones.

Si Jones ay sinupalpal naman ni Hernangomez sa likod para selyuhan ang panalo ng Nuggets, may 3-0 record.

Nagtala si Nikola Jokic ng 23 points, 11 rebounds at 6 assists para sa Denver.

Ang 3-0 baraha ay ang pinakamagandang simu-la ng Nuggets matapos noong 2009-10 squad na pinamunuan nina Carmelo Anthony at Chauncey Billups na dumiretso sa 5-0.

Nagsalpak naman si Curry ng tatlong sunod na three-pointers sa loob ng 1:11 minuto para pa-ngunahan ang pagbabalik ng Golden State sa fourth period.

Tumapos siya na may 30 points kasama ang anim na 3-pointers para alpasan si Paul Pierce sa sixth place sa NBA’s career list.

Sa Cleveland, naglista si rookie Trae Young ng 35 points at 11 assists at nag-ambag si Kent Bazemore ng 23 markers para igiya ang Atlanta Hawks sa 133-111 paggiba sa Cavaliers.

Ito ang ikatlong sunod na kamalasan ng Cavaliers sa kanilang unang season na wala si James.

Sa Oklahoma City, tumipa si Iman Shumpert ng 26 points at tinalo ng Sacramento Kings ang Thunder, 131-120 sa season debut ni Russell Westbrook.

Tumapos si Westbrook na may 32 points, 12 rebounds at 8 assists para sa una niyang regular season game para sa Oklahoma City.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with