^

PM Sports

NU, UST nagsosyo sa liderato ng girls’ volleyball

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumiretso ang reig­ning four-time girls champions na National Uni­versity sa pagtatala ng 2-0 record matapos ku­nin ang 25-16, 22-25, 25-27, 25-12, 15-7 pa­na­lo laban sa Adamson University sa UAAP Sea­son 81 high school volleyball tournament sa Blue Eagle Gym.

Naglista si Alyssa So­lomon ng 19 points at 9 digs, habang nagdagdag sina Faith Nisperos at Sheena Toring ng tig-16 markers para sa Bull­pups.

Nakabangon ang NU mula sa 1-2 pagkakaiwan at nalampasan ang nagawang 47 errors para talunin ang Adamson.

Tumipa naman si May Ann Nuique ng 6 blocks para tumapos na may 13 points sa panig ng Baby Falcons (1-2).

Samantala, kumamada si Imee Hernandez ng 13 points kasunod ang 12 hits ni Regina Ju­rado para igiya ang Uni­versity of Santo Tomas sa 25-20, 25-23, 25-20 pagdaig sa Far Eas­tern University-Di­liman at sumosyo sa NU sa liderato.

Winalis ng Uni­ver­si­ty of the East ang UP Integrated School, 25-19, 25-17, 25-22.

Sa boy’s division, ti­­nalo ng NU ang FEU-Diliman, 25-20, 21-25, 25-16, 25-18, para itala ang 3-0 baraha, samantalang bi­nigo naman ng Adam­son ang Ate­neo, 25-18, 25-7, 25-14 at pi­na­dapa ng UST ang UE, 25-18, 25-17, 25-18.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with