PSL isinama ng SPIA sa 10 finalists
MANILA, Philippines — Inilatag ng Philippine Superliga (PSL) ang pagdaraos sa All-Filipino Conference (AFC) at Collegiate Grand Slam (CGS) na may magandang balita.
Kinilala ng SPIA Asia, isang international award-giving body, ang PSL bilang isa sa 10 finalists sa Best Women Sports Event Category.
Ang mga dating nagawaran ng award ay ang Australian Open ng Australia, HSBC Women’s Champions ng Singapore, Red Bull Air Race World Championships ng United Arab Emirates at Standard Chartered KL Marathon ng Malaysia.
Nakatakda ang SPIA Awards Gala Night at Convention sa Nobyembre 19 at 20 sa Centara Grand and Bangkok Convention Centre sa Bangkok, Thailand kung saan higit sa 400 guests at VIPs ang dadalo.
“SPIA Asia recognizes those organizations that influence and make a big difference in all aspects of the sporting life in Asia,” sabi ni PSL chairman Philip Ella Juico kahapon sa press conference. “It is the Oscar Award of Sports in Asia.”
Hahataw ang PSL All-Filipino Conference sa Oktubre 30 sa Filoil Flying V Centre tampok ang mga bigating laro.
Lalabanan ng Smart ang Sta. Lucia Realty, habang makakatapat ng Petron ang Cocolife at sasagupain ng F2 Logistics ang Cignal.
Itatampok din sa AFC at sa CGS ang University of the Philippines, University of the East, Far Eastern University, University of Santo Tomas, De La Salle University-Dasmariñas at Colegio San Agustin.
- Latest