^

PM Sports

Kai Sotto babatakin sa training

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Puntirya ni coach Yeng Guiao na batakin si Kai Sotto kaya’t kinausap na niya ang batang 7-1 player para masama bilang “developmental player” sa Gilas pool na bubuuin para sa susunod na FIBA World Cup qualifying window.

Ibig sabihin makakasama ni Sotto sa training sina Greg Slaughter, June Mar Fajardo, Christian Standhardinger, Ian Sangalang, Raymond Almazan, Poy Erram at iba pang bigating PBA frontline players.

May mga taong agad nagparamdam ng pa­ngamba.

“He’ll be manhandled by the heftier tall frontlines of Iran and maybe even Qatar. Kai would be like a young girl exploited in front of many specta­tors. He’s not ready for this. Maybe they should bring him as a practice player for our senior natio­nal team for some time before letting him to play,” ani ng isa kong Twitter follower.

Masyado nga lamang mabilis ang pag-iisip ng fol­lower kong ito dahil nasa isip na niya agad na isa­sa­lang na sa laban ang 16-year-old na player.

Ang layunin lang ni coach Yeng ay tulungan ma­pabilis ang development ni Kai sa training, at hin­di naman isasalang agad kalaban si Hamed Hadda­di, Yi Jianlian, Ricardo Ratliffe at iba pang higante sa Asia.

Wala na siyang matutunan kung ang mga teammates lang niya sa Ateneo juniors ang kasama sa trai­ning.

Pinagdaanan din nila Jun Limpot, Marlou Aquino at marami pang iba ang parehong proseso. Sila’y agad napasama sa senior national pool upang agad mabatak sa laro dahil nga angat na angat na sila sa kanilang mga kaedad.

Pero maganda rin naman ang isipan ng Twitter fol­lower kong si Kristoffer Manaloto sa kanyang pa­ngambang agad masama sa senior national team si Kai.

“We all know he is a national treasure and we don’t want him to suit up and bang bodies with Asia’s best prematurely,” aniya.

Muling magsasama-sama ang national pool si­mula sa unang linggo ng Nobyembre upang pag­handaan ang back-to-back home games kontra sa Ka­zakhstan at Iran sa MOA Arena.

At muli ng bukas para sa Filipino fans ang laro ng Team Phl dahil nai-serve na ng national federation ang one-game sanction ng FIBA.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with