Kaya na ba ng LA Lakers ang Golden State?
(Pang-masa) - October 12, 2018 - 12:00am

LAS VEGAS -- Tila kayang-kaya ni LeBron James at ng kanyang Los Angeles Lakers na talunin ang Golden State Warriors.

Ngunit ito ay sa preseason lamang.

Pinadapa ng Lakers ang Warriors, 123-113, sa neutral territory sa T-Mobile Arena.

Humataw si Brandon Ingram ng 26 points mula sa magandang 15-of-17 free throw shooting bukod pa sa 5 rebounds, 1 assist at 1 steal sa loob ng 26 minuto para sa Los Angeles.

Nagdagdag naman si Kyle Kuzma ng 22 points, 3 boards, 2 blocks, 1 assist at 1 steal sa loob ng 24 minuto mula sa bench.

Tumapos si James, ang dating Cleveland Cavaliers cornerstone na hinarap ang Warriors sa NBA Finals sa huling tatlong sunod na season, na may 15 points, 10 rebounds, 5 assists at 1 steal.

Binanderahan ni Stephen Curry ang defending champions sa kanyang 23 points, 5 assists, 3 assists at 2 steals.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 20 points, samantalang nagtumpok si Kevin Durant ng 18 points at 12 rebounds bago na-foul out sa hu-ling 5:07 minuto ng hird quarter.

Sa Minnesota, nagbalik si All-Star guard Jimmy Butler sa ensayo ng Timberwolves at hinamon ang kanyang mga teammates, coaches at front-office executives.

Naging agresibo si Butler sa pagbabalik niya sa koponan at tinarget sina president of basketball operations at head coach Tom Thibodeau, general manager Scott Layden at sina Karl-Anthony Townsand Andrew Wiggins.

LEBRON JAMES NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with