Yuka Saso
Saso at Oliva may pag-asa pa
(Pang-masa) - October 12, 2018 - 12:00am

BUENOS AIRES -- Nagposte si Yuka Saso ng mahinang four-over-par 74 ngunit patuloy na nagpapalakas ng tsansa para sa medalya sa wo-men’s golf habang nakapasok naman si swimmer Nicole Oliva sa finals ng women’s 200m freestyle sa 2018 Youth Olympic Games dito.

 

Humataw ang 17-an-yos na Filipino- Japanese ng pinagsamang 145 sa nakaraang dalawang araw at limang strokes ang agwat sa mga nangungunang sina Alessia Nobilio ng Italy at Kim Grace ng Australia.

 

“She didn’t play her best today,’’ wika ni Ric Gibson, ang coach ni Saso na may dalawang bogey sa No. 11 at No. 15 at may birdie sa No. 12. “It’s really tricky out there today.’’

Naglista naman si Grace ng 69 habang may 72 si Nobilio para sa magkatulad nilang 140 kasunod sina Emma Spitz (70) ng Australia at Hoyu An (72) ng Chinese Taipei (72).

“I’m hoping for a windy day tomorrow. We handled it well yesterday and hopefully a different wind tomorrow will give us a different look at the golf course, fresh perspective,’’ sabi ni Gibson. Sampung strokes naman ang layo ni Pinoy golfer Carl Jano Corpus sa mga lider mula sa kanyang 76.

Nagkaroon ng dalawang bogey ang 17-an-yos na si Corpus sa front nine at tatlo pa sa Nos. 13, 14, 15 makaraan ang double bogey sa No. 10.

Nanguna si Karl Vi-lips ng Australia sa kanyang 69-68-137.

“Carl had the same problem today. They putted really well yesterday but didn’t putt as well today,’’ ani Gibson.

Samantala, umabante naman sa finals ng women’s 200m freestyle si Oliva, ngunit tumapos sa No. 7 sa medal race sa kanyang oras na 2:02.1.

“To make it in the YOG finals is one huge accomplishment for any junior swimmer. Amazing,’’ sabi ni Philippine Swimming Inc. president Lani Velasco. “She made top eight in the 200m free event with five heats competing against 36 countries.’’

Si Ajna Kesely ng Hungary ang kumuha sa gold medal (1:57.8) kasunod si Junxuan Yang (1:58) ng China para sa silver medal.

YUKA SASO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with