Severino isinulong ang ikatlong ginto ng Team Phl
Chris Co (Pang-masa) - October 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasungkit ni chess master Sander Severino ang ikatlong gintong me­dalya ng Pilipinas sa 2018 Asian Para Games na ginaganap sa Jakarta, Indonesia.

Nakalikom si Severino ng 5.5 puntos mula sa apat na panalo at tatlong draws sapat para angkinin ang gintong medalya sa men’s B1 individual event.

Tinalo ni Severino si­na Sinaga Suhardi ng In­donesia sa first round, Fir­daus Maksum ng Indonesia sa second round, Kutwal Shashikant Ap­pa­so ng India sa third round at ang kababayang si Rom Jasper Belarmino sa fourth round.

Nakasiguro naman ito ng draw kina Soltanov Se­rik ng Kazakhstan sa fifth round, Sutikno Su­tik­no ng Indonesia sa sixth round at Kuchibhot­la Venkata Krishna ng India sa final round.

Nagkasya sa pilak si Maksum, habang nakatanso naman si Belarmi­no.

Parehong may 5.0 pun­tos sina Maksum at Belarmino ngunit mas ma­taas ang tiebreak points ng Indonesian para ma­siguro ang No. 2 spot.

Nagdagdag ng isang pilak si Menandro Redor sa men’s B2-B3 indivi­dual category matapos mag­tala ng 5.0 puntos sa pitong rounds, habang nakatanso sa parehong ka­tegorya si Arman Su­baste bunsod ng nalikom na 4.5 puntos.

Sa kabuuan ay nakalikom na ang Pilipinas ng tatlong ginto, anim na pilak at anim na tanso.

Nakahirit pa ng pilak na medalya si Ernie Ga­wilan sa men’s 100m freestyle (S7) event – ang kanyang ikatlong me­dalya matapos makaginto sa 200m individual me­dley at tanso sa 50m freestyle.

Nag-ambag pa si swim­mer Gary Bejino ng tanso sa men’s 100m freestyle S6.

Umani ng pilak si Rio Paralympics bronze medallist Josephine Medina sa wo­men’s singles TT8 ng table tennis event.

ASIAN PARA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with