^

PM Sports

Phoenix inubos ang Magnolia

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Phoenix inubos ang Magnolia
Naghanap ng mapapasahan si Phoenix import Eugene Phelps. (PM photo ni Jun Mendoza)

MANILA, Philippines — Patuloy ang mainit na simula ng Phoenix nang ipalasap ang unang kabiguan ng Mag­nolia, 95-82, para sa ka­nilang ikatlong sunod na tagumpay sa 2018 PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Ara­neta Colise­um.

Ngunit hindi ito na­ging madali dahil nag­lustay muna ng 13 puntos na kalamangan sa first half ang Fuel Masters bago bumawi sa fourth quarter kung saan tulu­yan na nilang binaon ang Hotshots sakay ng 16-8 birada para makapagtayo ng 87-75 abante.

Hindi na bumitaw pa sa manibela ang Phoenix buhat noon tungo sa ma­laking tagumpay laban sa Magnolia.

“For me, one of the best ang Magnolia especially sa defense,” sabi ni head coach Louie Alas. “We were able to put a clamp on their offensive guys especially in the third quarter.”

Bunsod nito, solo na ngayon sa ikalawang puwesto ang Fuel Masters tangan ang 5-1 kartada sa likod ng wala pang galos na Blackwater Elite (4-0) papalapit sa gitnang  bahagi ng season-ending con­ference.

Giniyahan ni super im­port Eugene Phelps ang atake ng Phoenix mula sa kanyang 36 points, 20 rebounds at 4 blocks, habang may tig-13 markers sina Matthew Wright at Justin Chua.

Malaki rin ang ambag ng bagong Phoenix pla­yer na si Calvin Abueva na tumapos na may 9 points at 10 rebounds sahog pa ang 3 blocks.

Sa kabilang banda, hin­­di naman sumapat ang hinakot na 28 points at 19 rebounds ni reinforcement Romeo Travis gayundin ang tig-11 puntos nina Ian Sangalang, Jio Jalalon at Mark Barroca para sa Hotshots na nalasap ang unang pagkatalo sa tatlong salang.

Samantala, ibinigay ni Philippine Olympic Committee (POC) pre­si­dent Ricky Vargas ang cash incentives ng mga at­letang nag-uwi ng me­dalya sa nakaraang 18th Asian Games sa In­do­ne­sia.

PHOENIX 95 - Phelps 36, Wright 13, Chua 12, Abueva 9, Revilla 9, Jazul 9, Perkins 7, Intal 0, Wilson 0.

Magnolia 82 - Travis 28, Barroca 11, Sangalang 11, Jalalon 11, Lee 8, Ramos 6, Dela Rosa 3, Melton 2, Gamalinda 2, Pascual 0, Reavis 0, Brondial 0, Herndon 0.

Quarterscores: 30-19; 48-48; 71-67; 95-82.

vuukle comment

PBA GOVERNORS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with