^

PM Sports

Azkals umakyat sa No. 114

Rusell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mananatili pa rin ang Philippine Azkals bilang ikalawang pinakamahusay sa Southeast Asian football nation.

Ito ay matapos ilabas ang FIFA World Football Rankings para sa buwan ng Setyembre kung saan umakyat sa No. 114 ang Pilipinas makaraang mahulog sa No. 115 noong Hunyo at Agosto.

Ang Vietnam ang pinakamagaling na football team sa Southeast Asia sa kanilang ranggong No. 102.

Nauna nang umakyat sa all-time best na 111th world ranking ang Pilipinas noong buwan ng Mayo.

Umiskor ang Azkals ng 1-1 draw laban sa Bahrain sa kanilang international friendly match noong Setyembre 6 sa Riffa, Bahrain na nagtampok sa bagong coach na si Scott Cooper, pumalit sa umatras na si Terry Butcher.

Nakalasap naman ang koponan ng 2-3 kabiguan laban sa tropa ng Al-Hadd matapos ang tatlong araw.

Naghahanda ang Azkals sa kanilang paglahok sa dalawang major tournaments na AFF Suzuki Cup sa Nobyembre at sa AFC Asian Cup sa Enero ng 2019.

Kung magiging maganda ang ipapakita ng Azkals sa nasabing dalawang torneo ay inaasahang tataas ang kanilang estado sa FIFA World Rankings.

vuukle comment

AZKALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with