^

PM Sports

PVL Open Conf. lalarga ngayon

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling lalarga ang umaatikabong aksiyon ngayong hapon tampok ang apat na koponang mag-uunahang makuha ang unang panalo sa pagsambulat ng Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Unang masisilayan ang bakbakan ng Tacloban At Petro Gazz sa alas-4 kasunod ang duwelo ng Iriga-Navy at BanKo Perlas sa alas-6 ng gabi.

Paborito ang Creamline at Pocari-Air Force sa kumperensiyang ito su-balit handa ang anim pang koponan na magbigay ng matinding laban.

Kabilang na rito ang Tacloban Fighting Warays na nagnanais makaresbak matapos ang last place finish sa Reinforced Conference noong Hulyo.

Papalo para sa Fighting Warays sina NCAA MVP Shola Alvarez, Kyle Negrito, Jovielyn Prado at Judith Abil na pare-parehong beterano na sa liga.

Aariba rin ang Petro Gazz Angels sa pangu-nguna ni team captain Steph Mercado.

Ilang bagong mukha ang nadagdag sa Gazz Angels gaya nina Jessey de Leon at Marites Pablo para samahan sina Maricar Nepomuceno-Baloaloa, Cherry Nunag, Alyssa Layug at veteran setters Djanel Cheng at Relea Saet.

Sa kabilang banda, puntirya ng Perlas Spi-kers na makakuha ng panalo bago sumabak sa Vin Lonh Tournament sa Vietnam na tatakbo sa Setyembre 28 hanggang Oktubre 3.

Matapos ang Iriga-Navy, susunod na makakatipan ng Perlas Spikers ang Gazz Angels bukas sa Imus, Cavite.

Babanderahan ang Perlas Spikers nina Sue Roces, Mae Tajima, Dzi Gervacio, Rysabelle Devanadera, Gizelle Tan, Ella de Jesus, Amy Ahomiro at Nicole Tiamzon.

Tatapatan ito ng Iriga-Navy Lady Oragons sa pangunguna nina power-hitting Grazielle Bombita, Shyrra Cabriana, Reynelen Raterta, Diane Ticar, Devine Eguia at Florence Madulid.

 

vuukle comment

PVL OPEN CONF.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with