McMorrow tutulong sa Meralco sa FIBA Champions Cup

Liam McMorrow

MANILA, Philippines — Walang pagsidlan ang tuwa ni Liam McMorrow sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas matapos siyang kuning dagdag na reinforcement ng Meralco Bolts sa paparating na 2018 International Basketball Federation (FIBA) Asian Champions Cup.

Dumating na sa bansa kamakalawa ng gabi ang 7’2 na si McMorrow at hindi pa man nakakapagpahinga ay nanood agad sa Smart-Araneta Coliseum upang suportahan ang kanyang panibagong koponan na Meralco na bukas palad siyang tinanggap.

“I love it man. It’s cool cause I got to see my new team play against my old team. It’s nice to see a lot of fami-liar faces,” aniya. “I’m just thankful to be back in Manila that has people who really love basketball. To be surrounded by that is great. Happy to be back here.”

Huling naglaro ang Vancouver, Ca-nada native na si McMorrow sa Barako Bull noong 2015 PBA Governors’ Cup kung saan pinapayagan pa ang unlimited height na imports sa liga para sa mga kulelat na koponan.

Ngayon, ibang misyon ang nakaatang sa nagbabalik-Pinas na si McMorrow at ito ay ang giyahan ang Bolts sa prestihiyosong eight-team Cham-pions Cup na gaganapin sa Nonthaburi, Thailand mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 2.

Ayon kay McMorrow, tiwala siyang may kakayahan ang koponan na makasilat sa mga kampeon ng Asya kung saan kagrupo nila ang reigning champion na Al Riyadi ng Lebanon, Alvarck Tokyo ng Japan B. League at Mono Vampire ng home team na Thailand.

“All the teams, they’re all top teams where they come from so it will be really a challenging tournament but the team should be ready. It should be fun,” dagdag niya.

Makakatulong niya sa naturang ha-ngarin ng koponan ang two-time reigning Best Import ng Governors’ Cup na si Allen Durham na tiwala siyang makakasundo niya para sa tagumpay ng Meralco.

Sa hinaharap pagkatapos ng Champions Cup, umaasa naman ang Tennessee Tech standout na si McMorrow na makakabalik na siya sa PBA kapag natanggal na ang height limit.

“I wish I could come back and play. I always try to keep track of the unlimited height rule. Hopefully, they change it. I like to comeback here and play more. We’ll see,” pagtatapos niya.

Magsisimula na nga-yon ang pagsasanay ng koponan bago nga tumulak patungong Thailand sa Agosto 25.

Show comments