Excited si McMorrow na bumalik sa Pinas

Hindi maitatago ang saya ni Liam McMorrow na muli siyang nakabalik sa Pilipinas upang i-reinforce ang Meralco Bolts sa kanilang kampanya sa 2018 FIBA Asia Champions Cup sa Bangkok, Thailand simula Sept. 27.

Unang beses nakalaro sa Pilipinas ang 7-foot-2 Canadian player noong 2015 bilang import ng Barako Bull Energy sa PBA Governors Cup.

Aniya mas nanaisin pa nga niyang magbabad sa Pilipinas at dito lumaro kaysa sa kanyang sariling bayan sa Canada dahil nga sa passion ng mga Pinoy sa basketball.

Kaya’t laking katuwaan niya na ma-recruit ng Meralco upang tulungan si Allen Durham na igiya ang Bolts sa Asian Champions Cup kung saan haharapin nila ang Alvark Tokyo ng Japan, Lioaning Leopards ng China, SK Knights ng Korea, Al Riyadi ng Lebanon, Petrochimi ng Iran, Pauian ng Chinese Taipei at Mono Vampire ng Thailand.

Kumpiyansa siya na magkli-click ang kanilang tambalan ni Durham.

“I know him as a good player. I haven’t seen him play much, but I know he’s good at the low post. It means he can play at the post and me at the outside, and the other way around. It would be interesting,” ani McMorrow, na dumating sa bansa Martes ng gabi, fresh sa kanyang pag-attend ng Oklahoma Thunder camp.

“I worked out with tough centers in Oklahoma. I want you guys see me. My shooting has improved a lot. It’s gonna be interesting,” aniya.

Kakailanganin ng Meralco Bolts ang ma-laking puwersa mula kay McMorrow at Durham dahil pilay-pilay ang Meralco lineup sa kasalukuyan dahil sa injuries.

Parehong nagpapa-galing pa ng kanilang problemang pangkalusugan sina Jared Dillinger at Ranidel de Ocampo.

Muling mag-a-adjust ng schedule ang PBA upang ma-accommodate ang kampanya ng Meralco sa Thailand – na personal sa request ni FIBA secretary general Patrick Bauhmann sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Show comments