^

PM Sports

Ika-12 win asam ng San Beda

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng nagdedepensang San Beda Red Lions ang pang-12th panalo sa pagharap sa Emilio Aguinaldo Generals habang magtatagpo naman ang San Sebastian Stags at Jose Rizal Heavy Bombers ngayon sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Tangan ang 11-1 win-loss kartada, haharapin ng Red Lions ang Generals sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng laban ng Stags at Heavy Bombers sa alas-2 ng hapon.

Sa juniors division, magtatagpo ang SSC-R Staglets at JRU Light Bombers sa alas-10 ng umaga habang asam naman ng SBU Red Cubs ang ika-siyam na panalo sa pagharap sa EAC Brigadiers sa alas-4 ng hapon.

Malakas ang tiwala ni San Beda coach Boyet Fernandez na mananalo sila laban sa Generals na kanilang inilampaso, 61-46 sa first round elimination noong Hulyo 31.

Ang tanging talo pa lamang ng three-peat seeking Red Lions ay sa nangungunang Lyceum Pirates, 66-73 noong Agosto 21.

Tiyak na sasandal si coach Fernandez kina Ro-bert Bolick, ang top scorer sa una nilang pagtatagpo ng Generals sa kanyang 15 puntos at siyam na puntos mula kay Donald Tankoua.

Ngunit kailangan din ng Generals ang malaking panalo dahil lumiliit na ang kanilang pag-asa na makapasok sa susunod na round sa kanilang 2-9 slate.

Aasahan naman ni coach Ariel Sison sina Hama-duo Laminou, Rustan Bugarin, Jethro Mendoza, Jess Bautista at Jerome Garcia.

Sa iba pang laro, hangad ni San Sebastian coach Egay Macaraya ang ika-apat na panalo sa 13-laro habang nais ng Heavy Bombers na umangat mula sa 2-10 card.

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with