Bolts masusubukan sa Champions Cup
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - September 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Masusubok ang Me­ralco Bolts matapos na maigrupo sa Group B sa 2018 FIBA Asia Cham­pions Cup mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 2 sa Nonthaburi, Thailand.

Makakasama ng Bolts ang nagdedepensang Al Riyadi mula sa Lebanon, Alvarck Tokyo ng Japan at Mono Vampire ng host na Thailand sa solidong Pool ng eight-team Champions Cup.

Noong nakaraang linggo ay napili ng PBA Board ang Meralco para maging kinatawan ng liga at ng bansa kasunod ng kanilang Annual Planning Session na ginanap sa  Las Vegas, USA.

Subalit hindi magi­ging madali ang misyong naiatang sa mga balikat ng Meralco lalo at tatlong so­lidong koponan ang ma­kakasagupa nila.

Dalawang beses naghari sa Cham­pions Cup ang Al Riyadi at pi­nakabago ay noong 2017 title matapos panisin ang China Kashgar.

Ito ay bukod pa sa 14 titulo nila sa lokal na liga sa Lebanon.

 Hindi rin padadaig ang Alvarck Tokyo na ka­gagaling lang sa pag­do­mina sa Japan B. League kontra sa Chiba Jets.

Nakasandal naman sa homecourt ang Mono Vampire na kinapos lamang kontra sa San Mi­guel-Alab Pilipinas sa 2017-2018 Asean Bas­ket­ball League.

Sa kabutihang palad, may maaasahan si head coach Norman Black na solidong koponan na siyang back-to-back runner up ng PBA Governors’ Cup.

Pangungunahan ang Bolts ng two-time reig­ning Best Import ng season-ending conference na si Allen Durham.

Kasalukuyan pang nag­hahanap si Black ng kapares ni Durham para mapalakas ang tsansa ng koponan sa torneong pi­napagayan ang dalawang imports.

Bago ang pag­sabak sa Champions Cup ay sa­salang ang Meralco kon­tra sa Phoenix sa pagbabalik ng PBA Governors’ Cup sa Miyerkules sa Smart-Araneta Colise­um.

Samantala, sa Set­yem­bre 28 ay ha­harapin naman ng Bolts ni Black ang Rain or Shine.

 

CHAMPIONS CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with