^

PM Sports

San Beda, Perpetual sisilip ng tsansa

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Manatiling buhay ang parehong hangad ng San Beda Universi­ty at University of Perpe­tual Help System Dalta sa kanilang bakbakan sa Premier Volleyball League Season 2 Col­le­gi­ate Conference sa The Arena sa San Juan City.

Lalarga ang laban ng Lady Red Spikers at Lady Altas ngayong alas-4 ng hapon.

Isang silya sa Final Four ang natitira matapos upuan ng Adam­son University (6-0), Uni­versity of Santo Tomas (5-1) at Far Eastern Uni­versity (5-1) ang unang tatlong puwesto.

Nasa ikaapat ang Uni­­versity of the Philip­pines na siyang may pi­nakamalakas na tsansa sa semis tangan ang 3-3 marka, habang nakabuntot sa No. 5 ang College of Saint Benilde (2-4).

Parehong may 1-4 baraha ang San Beda at Perpetual Help sa ikaa­nim na puwesto – at ang matatalo ay awtomatikong mamamaalam sa kontensyon.

Umaasa ang Benilde, San Beda at Perpetual Help na matatalo ang UP sa kanilang hu­ling laro para mabuhay ang kanilang tsansa sa se­mis.

Subalit kung mana­nalo ang Lady Maroons kontra sa Lady Red Spi­kers ay masisiguro ni­to ang huling silya sa se­mis.

Papalo para sa San Be­da sina team captain Cesca Racraquin, Nieza Viray, Jiezela Viray at Satriani Espiritu, habang bibida para sa Perpetual Help sina Cindy Imbo, Jowie Versoza, Syra Umandal at Hannah Suico.

Sa men’s division, la­larga ang UST kontra sa Arellano University sa alas-8 ng umaga, habang papalo ang duwelo ng De La Salle Univer­sity at Perpetual Help sa alas-10.

Magtutuos din ang FEU at Benilde sa alas-12 ng tanghali, National University at San Beda sa alas-2 at ang Adamson at UP sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with