Valientes puntirya ang ikaapat na sunod na panalo

MANILA, Philippines — Lalabanan ng Zamboanga Valientes ang bu­mubulusok na Rizal Cru­saders sa pagpapatu­loy ng Maharlika Pilipinas Basketball League Da­­tu Cup.

Maghaharap ang Va­lientes at Crusaders nga­yong alas-7 ng gabi sa Pa­sig Sports Center.

Lalabanan naman ng Navotas Clutch ang Pasig Pirates sa alas-9 ng ga­bi.

Matapos ang two-game slide ay dumiretso ang Valientes sa tatlong sunod na panalo pa­ra itaas ang kanilang ba­raha sa 4-2 sa regional league na inilunsad ni Sen. Manny Pacquiao.

Bitbit naman ng Crusaders ang 1-5 marka.

Muling aasahan ng Va­lientes si dating pro Reed Juntilla, ang ikala­wang leading scorer ng liga sa kanyang avera­ge na 21.33 points per game.

Ang iba pang ipapa­rada ng Valientes ay sina Leo Avenido and Robert Sanz at Noy Javier.

Samantala, bagama’t nahulog sa tatlong dikit na kamalasan ay pa­bo­rito pa ring manaig ang Clutch laban sa Pirates, may 0-5 marka.

Show comments