^

PM Sports

Go For Gold asam ang titulo

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Masikwat ang asam na titulo ang hangarin ng Go For Gold sa Game Four ng umaati­kabong 2018 PBA Developmental League Foundation Cup Finals kon­tra sa nanganganib na Che’Lu Bar and Grill sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang nasabing banggaan nga­yong alas-5 ng hapon kung saan tatangkain ng Scratchers na tapusin ang kanilang best-of-five championship se­ries at huwag nang pa­hiritin pa ng winner-take-all Game Five ang ka­ribal na Revellers.

Tangan ang 2-1 abante, may tsansa ang Go For Gold na mapitas ang prestihiyosong Foundation Cup title na siyang magiging unang kampeonato ng kopo­nan sa kasaysayan.

Tiwala si head coach Charles Tiu na kaya ng kanyang mga bataan na wakasan na ang serye:

“Our players know what’s at stake so not to pressure them or anything, but we just have to play and win today,” sabi ni Tiu.

Sasandal si Tiu sa naging ba­­yani ng ka­nilang 98-96 panalo sa Game Three na si guard Paul Desiderio para trangkuhang muli ang ata­ke ng Scratchers.

Magugunitang si Desiderio ang nagpana­lo sa Go For Gold sa Game Three sa likod ng kanyang game-winning layup at steal sa huling segundo tungo sa game-high na 28 points at 5 rebounds.

Inaasahan namang aalalay sa kanya ang MVP can­didate na si Gab Banal matapos ang kumpletong 11 points, 8 rebounds at 6 assists na ambag nito sa Game Three.

Sa kabilang banda, hindi naman isusuko ng Che’Lu nang ganoon na lang ang sarili nitong misyon na mabingwit ang titulo lalo’t gutom itong makaganti sa Go For Gold upang ma­kapuwersa ng sudden-death Game Five.

“Our mindset will be no retreat, no surrender, ani Che’Lu coach Stevenson Tiu. “We’ll do our best to force Game Five.”

Sa likod ng isa ring MVP candidate na si Jeff Viernes ay susu­bok ang Revellers na ma­kapuwersa ng Game Five upang makaiwas sa isa na namang runner-up finish matapos kapusin sa Zark’s Burger-Lyceum sa Aspirants’ Cup Fi­nals.

Malalaman din nga­yon kung sino ang magi­ging MVP sa hanay ni­na Viernes at Banal.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with