^

PM Sports

Tigers kontra sa Buldogs sa opening

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaatikabong bak­ba­­kan sa pagitan ng mga nagpalakas na koponan ang bubungad sa pagsi­si­mula ng UAAP Season 81 sa Setyembre 8 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Maghaharap sa main game sa ganap na alas-4 ng hapon ang University of Santo Tomas sa ilalim ng bagong coach na si Aldin Ayo kontra sa karg­adong National Uni­­versity ni mentor Ja­mike Jarin.

Ngunit bago ito ay mag­sasalpukan ang pi­nalakas na Uni­ver­sity of the Philippines ni coach Bo Perasol at ang Uni­ver­sity of the East na ga­gabayan ng bagong coach na si Joe Silva sa unang laro sa alas-2 ng hapon.

Bago ang mga laro ay paparada rin ang la­hat ng koponan sa opening ceremonies sa alas-12 ng tanghali.

Ito ang magiging UAAP debut ni Ayo na lumi­pat sa UST noong na­­­ka­raang taon mula sa  De La Salle University matapos ang Finals kontra sa nagharing  Ate­neo sa UAAP Season 80.

Inaasahang madadala ni Ayo ang kanyang ka­ranasan at winning culture sa Growling Tigers na sabik maipagpag ang malamyang 1-13 rekord noong naka­raang taon sa ilalim ng sinibak na si Boy Sablan.

Upang magawa iyon ay sasandal si Ayo sa nagbabalik na si Renzo Subido kasama ang mga beteranong sina Marvin Lee, Reggie Basibas, Zach Huang, import na si Steve Akomo gayundin ang UAAP juniors bas­ketball MVP na si CJ Cansino mula sa UST Ti­ger Cubs.

Subalit hindi ito ma­gi­ging madali kaysa ina­asahan dahil solidong Bulldogs ang haharang sa kanilang daan.

Determinado si Jarin na gabayan na sa Fi­nal Four ang NU ma­tapos kapusin noong na­karaang taon sa kanyang coaching debut buhat nang lumipat mula San Beda. 

Nagtapos sa ikaanim na puwesto ang NU sa 5-9 kartada.

Aasa si Jarin sa mga batikang manlalaro na si­na Matt Aquino, Jo­shua Sinclair, Rev Di­putado, import na si Issa Gaye gayundin sa mga ba­gong puwersa mula sa juniors program nito na sina Miguel Oczon at John Lloyd Clemente.

Nakahugot rin ng mga dagdag na kargada ang Bulldogs sa katauhan nina Dave Ildefonso mula sa Ateneo at Darrel Menina mula sa Mapua University.

Inaasahang maalab din ang magiging first game lalo’t ipaparada ng UP ang inaabangang import na si Bright Ak­huetie.

 

vuukle comment

BULDOGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with