^

PM Sports

Adamson inagaw ang solong liderato

Chris Co - Pang-masa
PM photo ni Ernie Peñaredondo
Tumakip sa mukha ni Alessandrini Milena ng UST ang hinataw na bola ni Mary Joy Dacoron ng Adamson.

MANILA, Philippines — Dinungisan ng Adamson University ang rekord ng University of Santo Tomas sa pamamagitan ng 15-25, 26-24, 25-23, 25-20 desisyon para masi­guro ang top seeding sa semifinals ng Premier Vol­ley­ball League Season 2 Collegiate Conference ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Nanatiling malinis ang rekord ng Lady Falcons na sumulong sa 5-0 marka para masolo ang li­derato, habang nahulog sa No. 2 ang Tigresses na lu­masap ng unang kabiguan sa anim na laro.

Balanseng atake ang inilabas ng Adamson kung saan apat na players nito ang nagtala ng double-digits kabilang na si team captain Lea Perez na gu­mawa ng 12 markers kasama ang apat na solidong blocks at tatlong aces.

Pare-parehong may 10 points sina oppo­site hitter Eli Soyud, outside spiker Bernadeth Flo­ra at substitute Trisha Genesis para sa Lady Fal­cons.

Umuusok ang Tigresses sa attack line nang magrehistro ng 53-35 bentahe sa spikes.

Subalit mas matindi ang depensa ng Adamson sa net bitbit ang 12-5 edge sa blocks.

Nakakuha pa ang Lady Falcons ng 38 libreng puntos mula sa errors ng Tigresses.

Nasayang ang 23 puntos na pinaghirapan ni Fi­lipino-Italian Alessandrini Milena para sa UST.

Sa ikalawang laro, namayani ang Far Eastern Uni­­versity kontra sa University of the Philippines, 15-25, 25-23, 15-25, 25-23, 15-7.

Sa men’s division, nilapa ng reigning UAAP champion na National University ang Adamson, 25-21, 23-25, 25-10, 21-25, 17-15, para makabalik sa porma hawak ang 6-1 baraha.

Hindi alintana ng Bulldogs ang hindi paglalaro ni Bryan Bagunas dahil pumutok nang husto si An­ge­lo Almendras sa 30 puntos, habang sumuporta si Madz Gampong na nagdagdag ng 18 hits.

Namayani rin ang Far Eastern University sa San Beda University, 25-18, 25-18, 23-25, 25-18, pa­ra mapaganda ang rekord nito sa 4-3.

Nakalikom si middle blocker John Paul Bu­gaoan ng 20 hits, samantalang may 13 si Redjohn Pa­ler at tig-10 sina Peter Quielnat Mark Calado pa­ra sa Tamaraws.

Laglag ang Soaring Falcons sa 4-3 bataha, samantalang na­­hulog naman ang Red Lions sa 2-4 kartada.

vuukle comment

ADAMSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with