Haslem sa Heat ulit

MIAMI — Wala pang desisyon si veteran for­ward Udonis Haslem kung magbabalik sa Heat para sa kanyang pang-16 season.

Ngunit malaki ang tsansa na muli niyang isu­ot ang uniporme ng Mia­mi.

“It was a great conversation,” sabi ni Haslem sa pagbubukas ng kanyang pinakabagong branch ng Einstein Bros. Bagels, isa sa mga prangkisa na itinayo ng kanyang business partners sa Miami area sa na­karaang mga taon. “At the end of the day, it’s was a conversation about if they want me back and if I want to be back.”

Balak din ni Haslem na kausapin si Heat coach Erik Spoelstra sa mga susunod na araw.

Inihayag na ni Mia­mi team president Pat Ri­ley na gusto niyang magbalik si Haslem sa koponan.

Nalimitahan ang pla­ying time ni Haslem sa nakalipas na tatlong ta­on at nakita lamang sa 14 games sa nakaraang season.

Ngunit ang kanyang pagiging lider sa locker room ay mahalaga para sa Heat at nanatili ang 38-an­yos na Miami native bilang isa sa mga team captains.

Show comments