Pacquiao papayag sa alok ni Arum?

MANILA, Philippines — Noong nakaraang Biyernes ay biglang binisita ni Bob Arum ng Top Rank Promotions si Manny Pacquiao sa kanyang mansyon sa General Santos City.

Walang detalyeng ibinigay ang Filipino world eight-division champion kaugnay sa kanilang naging pag-uusap ni Arum, iniwanan niya matapos matalo kay Jeff Horn noong Hulyo ng nakaraang taon at gi-na­mit ang sariling MP Promotions.

Sinasabing inialok ni Arum para labanan ni Pacquiao sa Disyembre 2 sina World Boxing Organization welterweight titlist Terence Crawford ng United States at World Boxing Association lightweight king Vasyl Lomachenko ng Ukraine.

Sa dalawa ay mas gusto ng 39-anyos na si Pacquiao na labanan si Lomachenko sa isang catchweight fight.

‘’I think very much. We’d get a catch-weight,” wika ni Arum sa panayam ng BoxingScene.com. “On December 1st, assuredly, at the Forum (sa Los Angeles).”

Matapos maisuko ang kanyang suot na WBO wel­terweight crown kay Horn noong Hulyo ng 2017 ay inagaw naman ni Pacquiao ang WBA welterweight belt ni Lucas Matthysse via seventh-round TKO victory noong Hulyo 15 sa Malaysia.

Ang nasabing laban ay ikinasa ng MP Promotions ni Pacquiao habang ang Top Rank naman ni Arum ang namahala sa pag­sasaere sa US.

Bukas pa rin si Arum na muling makatambal si Pacquiao sa mga susunod na laban ng Filipino bo­xing superstar.

Dalawa o tat­­long laban na lamang ang gagawin ni Pacquiao hanggang sa su­sunod na ta­on ba­go tulu­yang magretiro.

Show comments