^

PM Sports

Win No. 6 asam ng San Beda

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng nagdedepensang San Beda Red Lions ang pang-anim sunod na panalo sa pagharap sa San Sebastian Stags habang asam naman ng Perpetual Help Altas ang ikatlong sunod na panalo sa pagsagupa sa Mapua ngayon sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Haharapin ng Red Lions ang dumadausdos na Stags sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng laro ng Altas at Mapua Cardinals sa alas-2 ng hapon.

Sa juniors’ division, hangad din ng Mapua Red Ro­bins ang ika-anim na panalo sa pakikipagtuos sa Per­petual Help Junior Altas sa alas-10 ng umaga na susundan ng laro ng SBU Red Cubs at San Sebastian Staglets sa alas-12 ng tanghali.

Inaasahang muling hahataw sina Robert Bolick, AC Soberano at Donald Tankuoa para sa Red Lions ni coach Boyet Fernandez.

Ang deadly trio ng Mendiola-based Red Lions ay nagtulung-tulong para maka-eskapo ng 80-76 panalo via overtime laban sa Letran Knights noong Biyernes upang makamit ang ika-limang panalo at mapanatili ang malinis na kartada.

Sa larong iyon, umani si Bolick ng 20 puntos, 11 re­bounds at anim na assists, habang si Soberano ay komunekta ng dalawang triples para manatili sa ikalawang puwesto sa likuran ng nangungunang Lyceum (7-0).

“I’m inspired by Scottie Thompson. If he can rebound, why can’t I,” sa­bi ni Bolick.

Sa kabilang panig naman, gusto rin ng Stags ni coach Egay Macaraya na bumangon agad mula sa masaklap na pagkatalo sa mga kamay ng Altas, 76-78 noong Agosto 9.

Kaya tiyak ang ma­gandang laban sa pagitan ng Red Lions at Stags na sa ngayon ay nasa pang-pi­tong puwesto sa 3-5 ba­raha.

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with