Bakbakan ang Smart Candy at Victorious Colt sa San Lazaro

MANILA, Philippines — Champion vs. champion ang labanan sa Race 10 mamaya sa San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona, Cavite sa pagitan ng 1st Leg Triple Crown winner na Smart Candy at 3rd Leg Triple Crown titlist na Victorious Colt.

Bahagyang angat sa laban ang Smart Candy dahil sa maigsi lang ang distansyang paglalaban mamaya na 1,500 meters.

Nanalo rin ang Smart Candy sa 2nd Leg Local Fillies and Colts Stakes Race noong Marso 11 sa San Lazaro kung saan tinapos ng kabayo ang karera na may mahigit sa 15 kabayo ang layo sa nasegundang Here’s to Life.

Nagwagi rin ang Smart Candy sa 1st Leg Triple Crown Stakes Race sa distansyang 1,600m noong Abril 1 laban sa Wonderland at Victorious Colt.

Sa 2nd Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes Race naman nanalo ang Victorious Colt noong Oktubre 8 na my distansyang 1,400m sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas kontra sa Aphrodisiac.

Nanalo rin ang Victorious Colt sa 3rd Leg Triple Crown Stakes Race sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite at sa pinakamahabang distansya na 2,000m laban sa Smart Candy at 2nd Leg Triple Crown Winner na Wonderland.

Exciting ang tagisan ng dalawang kampeon na kabayo na gagabayan din ng dalawang magaga­ling na hinete.

Si jockey JB ‘Unoh’ Hernandez ang sasakay sa Smart Candy at si jockey OP Cortez naman ang rerenda sa Victorious Colt.

Show comments