^

PM Sports

Sotto, Edu at Tamayo babandera sa Batang Gilas

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Sotto, Edu at Tamayo babandera sa Batang Gilas
Kai Sotto, AJ Edu at Carl Tamayo

MANILA, Philippines — Ang ‘triple tower combo’ nina Kai Sotto, AJ Edu at Carl Tamayo ang naatasang mamuno sa final 13-man line-up ng Batang Gilas para sa lalahukang 2018 International Basketball Federation (FIBA) Under-18 Asia Championship sa Nonthaburi, Thailand.

Nanggaling ang pinal na 13 manlalaro mula sa naunang 20-man training pool ng Batang Gilas noong nakaraang Linggo para sa paparating na Asian youth meet na nakatakda sa Agosto 5-11.

Inanunsyo ito kamakalawa ng gabi matapos ang impresibong 83-72 tagumpay ng Batang Gilas kontra sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) seniors team na Far Eastern University Tamaraws.

Susuporta kina 7’1 Sotto, 6’10 Edu at 6’7 Tamayo ang iba pang U-18 bets ng bansa na sina Gerry Abadiano at Joshua Ramirez ng National University Bullpups gayundin ang mga Bulldogs rookies na sina Miguel Oczon at Dave Ildefonso.

Kasama rin sa nasabing final roster sina Bismarck Lina ng University of Santo Tomas, Xyrus Torres ng FEU, Rhayyan Amsali ng San Beda gayundin ang iba pang higante na sina Geo Chiu ng Ateneo at Raven Cortez ng De La Salle-Zobel na pawang may mga taas na 6’8.

Nakasali rin sa line-up ang Filipino guard sensation mula sa Italy na si Dolph Panopio.

Ranggong ika-34 sa buong mundo, kasama ng Batang Gilas sa Group B ang China, Lebanon at United Arab Emirates.

Katulad ng nagawa nila sa nakaraang U-17 di­vision ay hangarin ng Batang Gilas na makapasok sa Top Four ng naturang Asian meet upang makaabante sa 2019 FIBA U-19 World Cup.

Sa pagsisimula ng buwan lamang ay pumuwesto sa ika-13 ang Batang Gilas mula sa 16 na pinakamagagaling na youth teams sa buong mundo sa ginanap an FIBA U-17 World Cup sa Argentina.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with