Giga Hitters susukatan ang Lady Realtors

Tinangka ni Arielle Estrañero ng Lady Maroons na supalpalin ang spike ni Patty Orendain ng Lifesavers sa pagsisimula ng PSL Invitational Conference.

MANILA, Philippines — Masusubukan ang gi­­nawang pagbabago ng Smart Giga Hitters sa kanilang pag­­harap sa Sta. Lucia Lady Realtors, ha­bang magtatagpo naman ang Cocolife at University of the East-Cherrylume sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) In­vitational Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Maghaharap ang Gi­ga Hitters at Lady Real­tors ngayong alas-7 ng gabi matapos ang laban ng Asset Managers at UE Lady Warriors sa alas-4:15 ng hapon.

Walang naipanalong la­ro sa nakaraang PSL Grand Prix, nakikipag-ugnayan ang Smart sa Phi­lippine Ar­my Lady Tro­opers para sa asam na magandang kampan­ya sa ikalawang confe­rence.

Pamumunuan ni ve­teran Mary Jean Balse-Pa­­bayo ang ko­po­nan ni head coach Kungfu Re­yes.

Bukod kay Balse-Pa­bayo, kasama na rin sa Giga Hitters sina Luth Malaluan, Nerrisa Bautista, Genie Sabas at Joan­ne Bunag ng Lady Tro­opers.

Idinagdag ni Reyes ang mga UST Tigresses na si­na Caitlin Viray, Dim­dim Pacres, Mildred Dizon at Tin Francisco para magbago ang mukha ng Smart Giga.

“We’re an old team that looks like new. With this team now, the pressure is always there and that’s what we want. We just have to overachieve and surpass the previous ranking of Smart. We won’t settle for anything less, we’ll target the best finish possible,” sabi ni Reyes.

Ngunit hindi lang ang Giga Hitters ang nag-revamped kundi pa­ti  ang Lady Realtors ni coach George Pascua sa pamamagitan ng pagku­ha kay dating Ateneo La­dy Eagles star Jhoan­na Maraguinot at mga Far Eas­tern University La­dy Tamaraws na sina Car­ly Hernandez, Jeanette Villareal at Toni Rose Basas.

Pangungunahan pa rin ng mga dating pla­yers na sina Pam Lastimosa, Mar Ja­na Philips, Rubie de Leon, Rebecca Rive­ra at Michelle La­borte ang Sta. Lucia sa Sea­son 5 ng PSL.

“We want to meet the expectation of the ma­nagement for a better finish this team. Hopefully, we can make it to the semifinal round this time,” ayon naman kay Pascua.

Samantala, nagwagi ang F2 Logistics laban sa Foton Tornadoes via straight sets, 25-21-25-21, 25-14, noong Sa­ba­do ng gabi para sa ma­ganda nilang umpisa.

Pinahiya ni Kim Dy ang debut ni Bea de Le­on sa Tornadoes mu­la sa kanyang 10 puntos  pa­­ra umani ang Cargo Mo­vers ng kabuuang 40 ata­ke.

Show comments