^

PM Sports

May gustong makuha si Bolick bago umalis

Andrew Dimasalang - Pang-masa
May gustong makuha si Bolick bago umalis
Nasa larawan sina NCAA Coach of the Year Boyet Fernandez ng San Beda, UAAP-NCAA Press Corps Player of the Year Robert Bolick ng San Beda, Pivotal Player Donald Tankoua ng San Beda, Breakout Player Alvin Pasaol ng University of the East, Award of Excellence receipient Afril Bernardino ng National University at Mythical Five member Thirdy Ravena, na kinatawan ng kanyang amang si Bong.

MANILA, Philippines – Nasa huling kabanata na ng kanyang collegiate basketball career, nais umalis ni Robert Bolick bilang isang ‘champion’.

Iyan ang huli niyang misyon sa nalalabing playing year para sa San Beda na nakatakdang depensahan ang korona nito sa nalalapit na National Collegiate Athletic Association (NCAA) na magbubukas sa Hulyo 7.

“Last year ko na ito. Gusto ko manalo this year,” sabi ng 6’1 na si Bolick matapos parangalan bilang Player of The Year sa ginanap na 2018 Collegiate Basketball Awards sa The Bayleaf Intramuros kamakalawa ng gabi.

Ito ang kauna-unahang individual award ni Bolick sa kanyang makulay na NCAA career na kinatampukan ng dalawang sunod na kampeonato para sa Red Lions.

Bilang kilalang team player, bonus na lamang ang parangal na ito lalo’t naglalaro siya para sa asam na grand slam title.

“Again, para sa akin ay wala ‘yang mga individual awards na ‘yan. Ibigay mo na sa kanila ‘yan. I just want a championship,” dagdag ng tubong Ormoc, Leyte.

Ngunit aminado ang 23-anyos na guwardiya na higit sa mga nakaraang taon ay ngayon sila mas mahihirapang magwagi lalo’t nakaharang sa kanilang daan ang pinakabangis na karibal na Lyceum of the Philippines University.

“I think ito ‘yung pinakamahirap na season para sa amin. Hindi magiging madali itong season na ito sa amin,” diin niya.

“Nanalo na ng championship ‘yung Lyceum sa PBA D-League. If ever mag-abot ulit kami, wala na ‘yung championship experience namin. Alam na nila paano manalo, gaaano kasarap mag-champion. Mas mahirap sila talunin ngayon.”

Tinalo ng San Beda ang Lyceum sa Season 93 Finals, 2-0, upang burahin ang makasaysayang 18-0 kartada ng Pirates sa eliminasyon.

Iba na ang sitwasyon ngayon, ani Bolick, lalo’t armado na ng karanasan ang Pirates bunsod ng kampeonato sa Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Aspirants’ Cup at Philippine Collegiate Champions League.

“Imagine, nag-18-0 sila last year, wala pang championship experience. Paano pa kaya ngayon? Kaya I’m looking forward to playing Lyceum.”

Sa kabila nito, handa ang Red Lions lalo na si Bolick sa muling paghaharap nila ng kapwa niya Gilas cadet ngunit karibal sa NCAA na si CJ Perez na siyang tinanghal ngang Most Valuable Player ng Season 93.

“For sure, gusto niyang bumawi sa amin. Pero kahit sino naman, sa labas ng court wala kaming problema pero sa loob, hindi talaga ako papatalo kahit kanino,” pahayag  pa ni Bolick.  “I want a championship. We are ready.”

vuukle comment

ROBERT BOLICK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with