Outstanding Collegiate basketball players paparangalan ngayon ng UAAP-NCAA PC
Chris Co (Pang-masa) - June 21, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magniningning ang gabi tampok ang pinakamahuhusay na collegiate basketball stars na gagawaran ng natatanging parangal sa 2018 Collegiate Basketball Awards ngayon sa The Bayleaf Hotel sa Intramuros, Manila.

Nangunguna sa listahan ang UAAP – NCAA Press Corps Mythical Team na binubuo nina Robert Bolick ng San Beda University, Thirdy Ravena at Matt Nieto ng Ateneo de Manila University, NCAA MVP CJ Perez ng Lyceum at UAAP MVP Ben Mbala ng De La Salle University.

Impresibo ang ipinamalas ni Bolick sa finals kontra sa Pirates para tulungan nito ang Red Lions na makuha ang ika-21 korona sa liga.

Bigong makakuha ng individual award ang 6-foot-1 Leyte standout matapos masuspinde ng isang laro sa NCAA Season 93.

Malaki rin ang kontribusyon nina Ravena at Nieto upang dalhin ang Blue Eagles sa kanilang unang titulo sa nakalipas na limang taon.

Sa kabilang banda, isa si Perez sa dahilan upang mapaangat ang Lyceum mula sa ilalim patungong tuktok ng standings. Sa katunayan, winalis ng Pirates ang 18-game elimination round.

Bigo mang makuha ang NCAA title, nakabawi ang Lyceum nang pagharian nito ang Philippine Collegiate Champions League.

Hindi naman kagulat-gulat na mapasama si Mbala sa Mythical Team dahil sa dominanteng inilaro nito sa nakalipas na season para sa Green Archers.

Mula sa limang miyembro ng Mythical Team, pipiliin ng UAAP-NCAA Press Corps ang Collegiate Player of the Year.

BASKETBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with