Pacquiao tickets ibebenta na bukas sa Malaysia
Francisco Cagape (Pang-masa) - June 5, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handang-handa na ang buong Malaysia sa nalalapit na WBO world welterweight championship fight nina Lucas Matthysse ng Argentina at 8-division champion Manny Pacquiao ngayong Hulyo 15 sa 16,000-seater Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

“I am excited. The fans are excited. Malaysia is ready. Let’s get on with this fight,” sabi ni Pacquiao na nagkaroon na ng maraming sparring rounds bilang paghahanda sa nasabing title fight.

Uumpisahan na bukas ang pagbebenta ng tickets sa Axiata Arena at sa online kung saan ang website na https://myticket.asia, ang online ticketing office ng Axia-ta Arena ang exclusibong ticket seller.

Tinanggal ni bagong Malaysian Prime Minister Tun Dr. Mahathir bin Mohamad ang six percent na dating goods and service tax (GST) ngunit umabot pa rin sa $5,000, $2,000, $1,000, $500, $350, $250 at $125 ang presyo ng tickets. Pero inaasahan pa ring dadagsain ng mga boxing afficionados ang laban dahil ito na ang pinakamalaking boxing event sa Malaysia sa loob ng 43 na taon kaya inaabangan na ng lahat ang Pacquiao-Matthysse bout.

Kung matatandaan, nag-laban din sina Muhammad Ali at Joe Bugner noong 1975 sa Kuala Lumpur at dinagsa ito ng maraming tagasubaybay.

Bukod sa Pacquiao-Matthysse title fight, inaasahang hahatak din ang tatlo pang ibang cham-pionship fights na pagla-labanan ng mga mabibigat na boksingero mula South Africa, Thailand, China, Pakistan, Australia, Japan, Mexico, India at Malaysia.

“There is already a mad dash for tickets,” ayon naman kay MP Promotions media officer Winchell Campos. 

LUCAS MATTHYSSE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with