Junior athletes sinandigan ng Cebu City para sa PNG crown
CEBU CITY, Philippines – Malaki ang naitulong ng mga atleta sa juniors’ division para sa panalo ng host Cebu City sa 9th Philippine National Games dito.
Sa kabuuang 45 gintong medalya ng ‘Queen City of the South’, ang 18 ay mula sa kanilang atleta na naglaro sa juniors’ division at ayon kay Cebu City Sports Commission chairman Ed Hayco, karamihan sa kanila ay mga volunteers na gustong kumatawan sa siyudad.
“The medals won by these athletes feel much heavier because they are all grassroots volunteers,” sabi ni Hayco.
Dahil sa mga nag-boluntaryong maglaro sa Cebu Niños, dumami ang kanilang atleta kaya nakapagbigay sila ng entries sa halos lahat ng 22 sports disciplines na pinaglabanan sa isang linggong kumpetisyon.
“Yes, we were able to field athletes in almost all events because being the host, that’s one of our advantage. We don’t have to pay for their air fare because the games are just here,” dagdag ni Hayco.
Kahit nabokya sa boxing ay bumawi naman ang host team sa dancesports kung saan nakakuha pa sila ng apat na gintong medalya sa huling event ng PNG para maprotektahan ang kanilang kalamangan laban sa Baguio City na mayroong 38-36-54 gold-silver-bronze haul.
Sa kanilang 45-56-67 tally ay tuluyan nang inangkin ng Team Cebu City ang overall championship trophy para sa unang pagkakataon simula noong 1994.
“We are very glad that we won the overall crown. We owed it to our athletes,” dagdag ni Hayco.
Sa kanilang panalo ay nakuha ng Cebu City and top prize na P10 milyon mula sa Philippine Sports Commission at kay Pangulong Rodrigo Duterte na halaga ng sports equipments.
Bukod sa Cebu City, ang second placer na Baguio City ay nakatanggap din ng P8 milyon at P6 milyon sa second runner-up, P4 milyon sa third runner-up at ang fifth placer ay nag-uwi ng P2 milyon.
“It’s up to our Mayor Tomas Osmeña now what to do with our top prize,” ani Hayco.
- Latest